|
Vea esta página en: English, Albanian, Bulgarian, Catalan, Czech, Chinese, Dutch, French, Indonesian, Italian, Japanese, Korean, Slovak, Spanish, Ukrainian
Hindi lihim na ang Kristiyanismo sa USA, UK at sa ibang bansa ay napapailalim sa matinding pagsalakay mula sa media, sa mga paaralan, sa mga hukuman, at madalas, pati sa mga simbahan. Sa isang kultura na naglalayong bigyan ng masamang pangalan si Hesukristo at ang Kanyang Salita, ang teologo (at pastor sa kalakhan ng Chicago) na si Dr. Erwin Lutzer ay gumawa ng ganitong obserbasyon: “Ang The Da Vinci Code ay ang pinakamalubhang pagsalakay laban sa Kristiyanismo na aking nasaksihan.”[1] Dahil sa matapang na paglalahad na iyon, suriin natin ang lubhang tanyag na nobela ni Dan Brown, ang malapit nang ipalabas na pelikula ng parehong pangalan at ang posibleng epekto nito sa simbahan at kultura. Ang nobelaBagaman pinapaniwala sa atin ni Dan Brown na “ang lahat ng paglalarawan sa sining, arkitektura, dokumento, at lihim na ritwal sa nobelang ito ay tamang-tama,”[2] Ang The Da Vinci Code ay likhang-isip lamang, kumpleto sa kasangkapan ng mabubuting tao, masasamang tao at makitid na pagtakas. Ang bida, isang cryptologist ng Harvard na si Robert Langdon, ay isang walang kibong karakter na kaunti ang kasalimuotan. Isa pa, ang pabagu-bagong pangyayari sa balangkas ng nobela ay madaling hulaan, at ang paraan ng pagsulat, kahit na minsa’y maganda ang pagkakasulat, ay hindi natatangi. Ito ay panlibang bilang “sikat” na likhang-isip na nobela,[3] ngunit hindi isang klase ng nobelang matatagalan ang pagsubok ng panahon upang maging isang klasiko. Ngunit, ang The Da Vinci Code ay naging sikat sa buong mundo. Ang naghahatak sa nobelang hindi naman kaakit-akit ay ang pangunahing teoryang nagsasabing si Hesus ay ikinasal kay Maria Magdalena. Pagkatapos ng kamatayan ni Hesus, umalis umano si Maria kasama ng kanilang anak at sa paglipas ng panahon ay naging simbolo ng “banal na kababaihan” ng sinaunang paganismo. Ang teoryang ito ay hindi bago kay Dan Brown; kahit sinong pormal na estudyante ng kasaysayan ng eklesiyastika ay pamilyar sa sinauna (ngunit lumalayo sa katotohanan) na tradisyon, na matagal nang itinuturing kasinungalingan (heresy) ng mga Katoliko at mga Protestante rin.[4] Gayon man, kailangan lamang magsaliksik (at hindi man napakalalim) sa “historikal” na basehan para sa tradisyong ito upang mapapaniwalang ito ay likhang-isip lamang. Sina Michael Baigent, Richard Leigh at Henry Lincoln[5] ay gumawa ng ganitong pahayag ukol sa kanilang sariling pananaliksik:
Ngunit ang pagsalakay laban kay Kristo at ang Kanyang Salita, ang Bibliya, sa The Da Vinci Code ay mas malalim kaysa sa panibagong pagtingin sa nasabing teorya. Sa pamamagitan ng pagtanim ng butil ng pag-aalinlangan sa isip ng mambabasa tungkol sa paraan ng pagkakabuo ng Bibliya, ang nobela—at maaaring isama na rin ang pelikula—ay nagiging direktang pagsalakay laban sa kapangyarihan ng Ebanghelyo. Ayon sa likhang-isip na historyador ni Ginoong Brown na si Leigh Teabing,[7] ang Romanong Emperador na si Constantino ay namili sa mga lumang ebanghelyo, at pinili niya ang mga naaayon sa kanyang pulitikal na adhikain, upang mabuo ang kasalukuyang Bibliya habang hindi ipinakikita ang ilang mahahalagang dokumento.[8] (Sa totoo, ang canon ng Ebanghelyo ay hindi pa napag-uusapan hanggang namatay na si Constantino—ang Kapulungan ng Nicene sa panahon ni Constantino ay mas pinahahalagahan ang tungkol sa pagiging diyos ni Kristo.) Ang “likhang-isip” na pag-aaral sa kasaysayan ni Brown ay mala-akademikong kasinungalingan na matagal nang napatunayang hindi totoo ng mga iskolar ng kasaysayan at bibliya.[9] Ang walang kaalam-alam lamang ang maniniwala sa pahayag ng isang likhang-isip; ngunit ang nakalulungkot na katotohanan ay marami na ang walang kaalam-alam tungkol sa Salita ng Diyos, at mas masama pa, marami ang desperadong makahanap ng dahilan upang hindi maniwala at sundin ito.[10] Para sa kanila, ang matalinong pagtakip ng kasinungalingan sa The Da Vinci Code ang kailangan nila upang magpatuloy sa pagtanggi sa kapangyarihan ng Bibliya. Ngunit sa kaganapang ito unang maipakikilala sa mga mambabasa ang napakagandang paksa ng “Fibonacci Sequence at Divine Proportion.” Tingnan ang sidebar para sa marami pang kaalaman tungkol sa kapansin-pansing ebidensya ng paglikha, hindi pagbabago. Ang pagsalakaySa gayon, tama ba ang pastor na si Lutzer na tawagin ang The Da Vinci Code na “pinakamalubhang pagsalakay laban sa Kristiyanismo” ng ating panahon? Maaaring malapit na siya sa katotohanan, sapagkat ang pinakamalubhang pagsalakay laban sa Kristiyanismo at kay Hesukristo ay, at noon pa man, ang sadyang pagsalakay laban sa Kanyang Salita. Ngunit sa labang ito, ang The Da Vinci Code ay isang maliit na salik sa mas malaking pangamba. Ilang teologo at lider na Kristiyano ang nakikipag-away laban sa isang mababang klase ng likhang isip, habang patuloy na itinuturo na hindi mapagkakatiwalaan ang Salita ng Diyos sa lahat ng 66 na aklat, lalo na ang Genesis? Ang The Da Vinci Code ay mawawala rin sa usapan, habang ang henerasyon ng mga Kristiyano ay patuloy pa rin sa di pagtitiwala. Dito nagsisimula ang totoong labanan. Kung piliin man o hindi ng isang tagasunod (nang kanyang sariling pagpapasiya) na basahin ang The Da Vinci Code o panoorin ang pelikula, mahalagang malaman niya ang lahat ng aspekto ng pagsalakay laban sa Salita ng Diyos—ano mang uri ito—at “humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa” (1 Pedro 3:15) upang dahan-dahan at matalinong malagpasan ang mga harang sa mabuting balita ni Hesukristo. Batayan
May akda: Melinda Christian, Answers in Genesis USA Kopirayt sa teksto © 2006, Answers in Genesis USA, Karapatang Ari—maliban sa nababanggit na kasama ng “Paggamit at Kopirayt” na pahina na nagbibigay sa mga gumagamit ng ChristianAnswers.Net ng karapatang gamitin ang pahina para sa kanilang tahanan, personal na layunin, simbahan at paaralan. Mga larawan at layout kopirayt, 2006, Films for Christ. Karagdagang Impormasyon
Tungkol kay HESUKRISTO
Sagot sa mga katanungan ChristianAnswers.Net |
HOMEPAGE at TALAAN ng Christian Answers Network Isinalin ni: Kat Francisco |